WebClick Tracer

3 Duterte tatakbong senador sa 2025; Mayor Baste kandidatong pangulo sa 2028

Tatlong Duterte ang tatakbo sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.

Ito ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa panayam sa kanya ng media nitong Martes.

Ayon sa bise presidente, babalik muli sa politika ang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama ng dating pangulo na tatakbong senador ay ang mga anak nitong sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.

Sinabi pa ni VP Duterte na naghahanda na rin sila sa 2028 presidential elections na kung saan si mayor Baste ang napipisil na kumandidato sa pagka-pangulo.

Samantala, pagkatapos naman daw ng termino ni VP Duterte ay muli siyang babalik sa Davao City upang muling tumakbong alkalde ng lungsod. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on