WebClick Tracer

Sa loob ng 15 araw: Higit 6,000 sasakyan nahuli

Mahigit sa 6,000 na sasakyan ang nahuli sa buong bansa sa unang 15 na araw ng Hunyo, ayon sa Land Transportation Office (LTO) noong Biyernes.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagpapatupad ng ‘No Registration, No Travel’ policy.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na ang patuloy na operasyon ay dapat magsilbing paalala sa mga may-ari ng sasakyan ng kanilang obligasyon na i-renew ang rehistro ng kanilang mga sasakyan.

Ayon sa LTO, umabot sa 6,064 na motor vehicles ang nahuli mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15. Sa nasabing bilang, 5,127 dito ang motorsiklo.

May kabuuan naman na 5,470 ang nabigyan ng violation ticket habang 981 naman ang na-impound.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on