WebClick Tracer

Mga residenteng lumikas dahil sa Kanlaon Volcano, makakauwi na

Pinayagan nang makabalik sa kanilang mga tahanan ang mga lumikas na residente sa labas ng 4 kilometer Permanent Danger Zone ng Kanlaon Volcano sa bayan ng La Castellana sa Negros Occidental.

Sinabi ni John de Asis, head ng La Castellana Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, na pinayagan nila ang 369 na pamilya, na binubuo ng 1,250 na indibidwal, na bumalik na sa kani-kanilang mga tirahan.

May 170 na pamilya rin, na binubuo ng 565 na indibidwal, umano ang susunod.

Sinabi ni De Asis na wala ng 1,000 na indibidwal ang nananatili sa tatlong evacuation center ng bayan. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on