WebClick Tracer

Higit P150-M jackpot sa Ultra Lotto 6/58 nasolo

Nanalo ang isang mananaya ng mahigit P150 milyon na jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi, June, 21, 2024.

Masuwerteng nahulaan ng lucky bettor ang kombinasyong 08-24-15-44-04-58, na may kabuuang premyo na P150,307,791.20.

Nanalo naman ang 21 mananaya ng 2nd prize na may premyong P120,000.00.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45 na aabot sa mahigit P13 milyon ang jackpot.

Ang lumabas na mga numero ay 41-14-27-20-09-01 na may kabuuang premyong P13,264,033.202. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on