WebClick Tracer

Claudine Barretto sa bday ng anak: ‘You are the reason i chose to live again’

Binati ng aktres na si Claudine Barretto ang anak na si Sab sa ika-20 kaarawan nito.

Sa Instagram, nagbahagi si Claudine ng mga larawan at video nilang pamilya sa kaarawan ni Sab.

Kalakip ng mga video at larawan ang isang nakakantig na mensahe ni Claudine sa anak.

“June 21,2004 i became a Mother at 24.God sent me an Angel in a form of a beautiful child.my Soul has long been Dead till my Daughter made me live again,” ani Claudine.

Sinabi niya rin na muli siyang nabuhayan ng loob dahil kay Sab.

“You are the reason i chose to live again Sab.God really loves me.He gave me you.Happy 20th birthday anak,” saad pa ng aktres.

“Truly are an Angel here on earth.Mommy loves u” dagdag pa niya. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on