WebClick Tracer

Bong Revilla, Lani Mercado lolo’t lola uli! Anak na si Gianna buntis sa unang baby

Magiging lolo’t lola muli ang mga politikong sina Bong Revilla at Lani Mercado dahil ang anak nilang si Gianna ay buntis sa una nitong baby.

Sa Instagram, ibinahagi ni Gianna ang anunsiyo.

Makikitang nakahawak si Gianna at asawa nitong si Jed Patricio sa baby bump niya.

Ibinahagi rin ni Gianna sa post ang nangyaring miscarriage noong 2023.

“It has been our hearts’ desire to start our own little family. Although with a miscarriage last year and dealt with hormonal imbalances, we kept our faith,” aniya.

“We let go of our plans, surrendered every pain, doubt, and fear, knowing we can trust only in His plans because they are far greater than ours,” saad pa ni Gianna sa post.

Noong unang bahagi ng taong ito, sinalubong nina Bong at Lani ang kanilang apo na si Lauren na anak ng kanilang anak na si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, at ang kanyang asawa, ang beauty queen na si Angelica Alita. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on