WebClick Tracer

Bicycle rider inararo ng van, dedo

Nasawi noong Biyernes ang isang 47 taong gulang na bicycle rider sa Maharlika Highway sa bayan ng Tiaong, Quezon province.

Sa ulat mula sa Quezon police headquarters, habang ito ay tatawid sa isang bahagi ng highway sa Brgy. Lalig ay aksidente itong nabangga ng dumaraang van.

Nagtamo naman ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang rider at nasawi on the spot.

Ang driver ay ikinulong na sa piitan ng pulisya ng bayan at nahaharap sa kasong kriminal. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on