WebClick Tracer

Barangay tanod nalunod sa dagat sa Quezon Province

Nalunod ang isang barangay tanod sa dagat sa Tanauan, Plaridel, Quezon Province noong Biyernes ng umaga, Hunyo 21.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Edwin Calingasan, 56-anyos, residente ng Barangay Concepcion, Plaridel, Quezon.

Nakitang nakasuot ng brown T-shirt, itim na short, at walang tsinelas ang biktima nang matagpuan.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa dagat

Ang bangkay ng biktima ay natagpuang nakalutang sa dagat.

Sinabi ng pulisya na huling nakita ang biktima na lasing na lasing at sumisigaw habang mag-isang naglalakad patungo sa dalampasigan. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on