WebClick Tracer

7 taong gulang na Fil-Am kumanta ng Lupang Hinirang sa U.S

Kumanta ng pambansang awit ng Pilipinas na Lupang Hinirang ang 7 taong gulang na Filipino-American na si Zoe Erianna.

Sa Instagram account ni Zoe, ibinahagi niya ang pagkanta niya sa harap ng City hall sa Philadelphia.

“Zoë Erianna (age 7) was invited to sing both the Philippines and US National Anthems in front of City Hall in the birthplace of America, Philadelphia! Here is a video of Lupang Hinirang,” saad sa post.

Ayon rin sa post, hindi marunong magsalita ng Tagalog ang bata ngunit halos masaulo niya ang tono at mga salita sa Lupang Hinirang.

“The impressive part about this is not the fact that she is in tune but that she nearly memorized the words but does not speak the language,” ani pa ng post.

Sumali ang Fil-Am na si Zoe sa America’s Got Talent (AGT) season 18 na nakapukaw sa maraming tao dahil sa boses nito. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on