WebClick Tracer

3 patay, 10 sugatan, sa pamamaril sa grocery store sa Arkansas

tape

Patay ang tatlong indibidwal at 10 ang sugatan sa pamamaril sa isang grocery store sa Fordyce, Arkansas, ayon sa State Police.

Kabilang naman sa 10 kataong sugatan ang dalawang pulis.

Kinilala ang hinihinalang bumaril na si Travis Eugene Posey, 44-anyos, residente ng Edinburg.

Sugatan din ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.

Kakasuhan si Posey ng 3 counts ng capital murder na may karagdagang charge na nakabinbin.

Sinasabing nakatanggap ang mga awtoridad ng ukol sa pamamaril sa Mad Butcher grocery store bandang 11:30 a.m. lokal na oras.

Sinabi ni Secretary of Public Safety and Director ng Arkansas State Police na si Mike Hager na agad na kumilo ang mga awtoridad at nakipagpalitan ng putok sa “lone suspect.”

Ang mga pinsala sa mga opisyal at suspek ay hindi itinuturing na nagbabanta sa buhay, ayon kay Hagar. Sinabi niya rin na ang “situation is secured …contained. There are no active threats to the community.”

“The remaining civilian injuries range from non-life threatening to extremely critical,” dagdag pa niya. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on