WebClick Tracer

26-anyos na lalaki binigyang P10,000 sa pagpapatuli sa Lapu-Lapu City

Ginantimpalaan ang isang 26-anyos na lalaki ng P10,000 matapos magpatuli sa “Operasyon Libreng Tuli” sa Lapu-Lapu City noong Biyernes, Hunyo 21.

Binigyan ng cash incentives ang lalaki dahil siya ang pinakamatandang tinuli sa naturang lungsod.

Kinilala ang naturang lalaki ni Lapu-Lapu Mayor Junard “Ahong” Chan na si Alfredo Jr. na residente ng Barangay Basak, Lapu-Lapu.

Inabot ng alkalde sa lalaki ang P10,000 cash.

Isa si Alfredo sa 1,350 na nagpatuli sa “free circumcision” ng mga volunteer schools at Department of Health-Central Visayas.

“Pagka-swerte ni Alfredo. Na-ulitawo na gani, naka-P10,000 pa gyud!,” ani Chan sa kanyang Facebook post.

Muling maglulunsad ang lungsod ng operation tuli sa Hunyo 28 sa 9 na lugar. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on