WebClick Tracer

3 pulis sangkot sa pagbugbog sa kabaro sa ‘hazing’ kinasuhan na

Sinampahan ng reklamong kriminal ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG ang tatlong pulis sa Isabela na akusado sa pambubugbog sa kapwa nila pulis.

Ayon kay PNP-IMEG Director Police Brig Gen. Warren de Leon, naisampa na sa Isabela Provincial Prosecutor’s Office ang reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law sa tatlong pulis.

Sakaling mahatulang guilty, kulong ng hanggang 30 taon ang puwedeng kaharapin ng mga akusado maliban pa sa pagmumulta ng P2 million bawat isa.

Samantala, sinabi rin ni De Leon na gumugulong na rin ang kasong administratibong grave misconduct laban sa mga nasabing pulis.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa Personnel Holding and Accounting Unit sa Camp Marcelo Adduru sa Police Regional Office 2 ang tatlong pulis.

Matatandaang noong Mayo 24 nang ireklamo ng biktimang isang patrolman ang kanyang tatlong kasamahan matapos umano siyang bugbugin nang isalang umano sa isang initiation rites sa nasabing kampo. (Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on