WebClick Tracer

VP Sara nag-resign bilang DepEd secretary

Nagbitiw sa kanyang puwesto bilang Department of Education Secretary si Vice President Sara Duterte Carpio.

Inianunsiyo ng Presidential Communications Office ang pag-alis sa DepEd  ng Pangalawang Pangulo  ilang minuto pa lamang ang nakalipas.

Ayon sa PCO, dumating sa Palasyo si VP Sara 2:21 ngayon hapon at ipinaabot ang kanyang pag-alis sa puwesto bilang miyembro ng gabinete bilang DepEd Secretary at Vice Chairperson ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon sa PCO, tumangging magbigay ng dahilan si VP Sara kung bakit ito nagbitiw sa gabinete.

Nilinaw naman ng PCO na mananatiling  Bise Presidente ng Pilipinas  si VP Sara.

Batay sa isinumiteng resignation letter ng pangalawang Pangulo sa Malacanang,  irrevocable ang kanyang pagbibitiw at magiging epektibo sa July 19,2024.

Sinabi ni VP Sara sa kanyang resignation letter na naghanda na siya ng 30-day transition plan para sa  maayos at turn-over sa kagawaran.

Tiniyak naman ng Bise Presidente na  patuloy siyang magsisilbi sa bansa  sa pamamagitan ng iba’t ibang programa, aktibidad  at proyekto ng Office of the President. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on