WebClick Tracer

Teacher solon sa pagbibitiw ni VP Sara sa DepEd: ‘Sa wakas’

Ikinagalak ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at co-vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Sa wakas ay nagresign na din sa DepEd si VP Sara sana ay mas maaga niya ito ginawa para makapaglagay ng isang kalihim ng DepEd na galing talaga sa sektor ng edukasyon at alam ang kanyang ginagawa,” sabi ni Castro sa isang pahayag.

“Nasayang ang mahugit dalawang taon para ayusin agad ang education crisis sa bansa at benepisyo at sahod ng mga guro at education support personnel,” dagdag pa nito.

Umaasa si Castro na ang pagbibitiw ni Duterte sa NTF-ELCAC ay magbigay-daan sa tuluyang pagbuwag sa ahensya.

“It is nothing but an apparatus of the state to violate human rights and spread fake news,” dagdag pa nito.

Nagpahayag din ng paniniwala ang lady solon na ang pagbibitiw ni Duterte ay magiging mitsa ng girian ang dalawang kampo.

“The resignation of VP Duterte from the Marcos Jr. Cabinet also marks the open war between the former allies and the upcoming escalation of hostilities between the two camps,” sabi pa ni Castro. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on