WebClick Tracer

Rendon matapos ma-persona non grata sa Palawan: ‘Sana panaginip lang ang lahat’

Nag-react na ang social media Personality na si Rendon Labador matapos ideklarang persona non grata kasama si Rosmar Tan sa buong lalawigan ng Palawan.

Sa kanyang Facebook page, nagbahagi siya ng larawan sa isang beach sa Coron, Palawan kalakip ang isang mensahe.

“Sana panaginip lang ang lahat, nagkatampuhan lang tayo pero wala parin akong ibang hangad kundi ang ikabubuti mo. Andito lang ako kapag kailangan mo ako,” aniya.

Nagpasalamat din si Rendon sa magandang ala-ala niya sa lugar.

“Maraming salamat sa mga magagandang ala-ala, ma-mimiss kita. Hanggang sa muli.” aniya pa.

Bago ideklarang persona non grata, nag-public apology pa ang grupo nila kasama si Rosmar Tan sa staff at namumuno sa Coron.

Matatandaan na humantong sa pagka-ban ang pamimigay nila ng tulong sa mga residente roon matapos duruin at sigawan ang isang staff ng munisipyo na naglabas ng saloobin sa social media. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on