WebClick Tracer

Red Velvet muling babalik sa ‘Pinas

Babalik sa Pilipinas ang K-pop group na Red Velvet para sa kanilang fancon tour sa Setyembre.

Inihayag ng Red Velvet ang mga petsa at venue ng kanilang ‘Red Velvet Fancon Tour in Asia-Happiness: My Dear, ReVe1uv’.

Sa bansa, gaganapin ng Red Velvet ang fancon sa Setyembre 14 sa SM Mall of Asia Arena.

Ito ang magiging pagbabalik ng Red Velvet sa bansa sa loob ng halos siyam na buwan. Noong Disyembre, nag-perform ang Red Velvet sa ‘NYE at the 5th: New Year’s Countdown’ sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

Samantala, ilulunsad ng Red Velvet ang fancon tour sa Seoul sa Agosto 3 at 4 sa Seoul Handball Gymnasium.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on