WebClick Tracer

Pelikulang ‘Playtime’ certified flop?

Certified flop umano ang pelikulang “Playtime” na pinangungunahan nina Sanya Lopez, Faye Lorenzo, Coleen Garcia, at Xian Lim.

Ito ang usap-usapan ngayon sa social media platform na X, matapos itong hindi pilahan sa takilya na ipinalabas simula pa noong Hunyo 12.

“ Certified flop ang pelikula ng GMA Pictures at Viva na “Playtime,”saad ng isang X user.

Ayon pa sa X user, nag-pull out umano ng movie ang ilang sinehan dahil halos wala namang gustong manood nito.

“Ilang sinehan na ang nag-pull out ng movie dahil walang nanonood,” saad niya.

“Idinagdag naman sa pelikulang “Inside Out 2” ang slot na pinagtanggalan sa flop movie na Playtime,” aniya pa sa kanyang Tweet.

Matatandaan na naging usap-usapan din noong nakaraan linggo ang tila nilangaw nilang mall tour para i-promote ang naturang pelikula.

Sey tuloy ng mga netizen, tumugma ang titulo ng pelikula sa nangyayari sa movie nila dahil na-“playtime” daw ito.

“Playtime na playtime naman kasi tugma sa title ng movie😂😂😂😂🤭”

“Pull out na Agad wala pa 1 week Play time na Yan Patunay na Flop talaga

@loyalbravetrue1 Trewwwww? 🤣 Karma nga naman”

“sad namn nadamay pa yung 3 artist… dakdak ng dakdak kasi si

@XianLimm sa past relationship nya.”

“Ay ano ba yan? Wala talagang purchasing power. Tsk tsk tsk.”

Ang “Playtime” ay iprinoduce ng GMA Pictures at VIVA Films’.(VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on