WebClick Tracer

PBBM nilagdaan batas na nagtatag ng paaralan sa Bacoor

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagtatag ng senior high at elementary school sa Bacoor City, Cavite.

Inaprubahan ni Marcos ang dalawang bagong batas, ang Republic Act Nos. 12007 at 12008, noong Hunyo 13.

Itinatag ng Republic Act No. 12007 ang ‘Progressive Senior High School’ sa Progressive Village 3, Brgy. Bayanan habang ang RA No. 12008 ay lumikha ng ‘Progressive Elementary School’ sa Brgy. Molino 2.

Ang parehong mga paaralan ay matatagpuan sa Bacoor City.

Ayon sa Malacañang, ang mga paaralan ay sasailalim sa pangangasiwa ng Department of Education.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on