WebClick Tracer

Pauleen Luna binasag nagsabing ipa-braces ngipin ni Tali

Basag ang isang netizen sa naging sagot sa kanya ni Pauleen Luna matapos sabihing palagyan ng braces ang ngipin ni Tali.

Sa Instagram, nag-upload si Pauleen ng picture nila ni Vic Sotto kasama ang dalawa nilang tsikiting.

“Holiday well spent,” sey ng TV host-actress.

Positibo ang reaksiyon dito ng ilang follower ni Pauleen ngunit may isang pumansin sa ngipin ng panganay niyang si Tali.

“I’m just wondering, why doesn’t the little girl wear braces to correct the growth of her teeth?” comment ng naturang netizen.

Nireplayan siya ni Pauleen: “Braces on milk teeth?”

Kumampi naman kay Pauleen ang ilang netizen:

“Alangan namang yung two front teeth lang i-braces? Okay ka lang? Hahahahah. Common sense!”

“Pag tumubo na lahat ng permanent teeth dun nagbe-brace. Kaya nga may minimum age yan eh. Ako sinabihan by 12. So 13 naka brace na ako. Ang t*nga din talaga ng iba.”

“Ang dami talagang know it all na netizen. Pati bata di pinapalagpas. Kakadire mga ugali.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on