WebClick Tracer

P1.4 milyong halaga ng droga, nadakma sa Pampanga

Tinatayang nasa P1.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa San Fernando City, Pampanga noong Linggo ng gabi.

Sinabi ng pulisya na ang suspek ay naaresto matapos umanong magbenta ng hindi pa matukoy na halaga ng shabu sa isang undercover agent sa Brgy. San Juan.

Ayon kay Pampanga police director Col. Jay Dimaandal, narekober ng arresting team sa suspek ang 210 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.42 milyon.

Samantala, kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek, sabi ng pulisya.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on