WebClick Tracer

Meet-up nauwi sa kidnap for ransom, 2 arestado

Arestado ang dalawang lalaki sa Taguig City matapos matukoy na kasabwat sa isang insidente ng kidnap for ransom na nangyari nitong nagdaang Lunes, Hunyo 17.

Makikipagkita lamang umano ang biktima kay alyas Izzy, na nakilala nito sa isang messaging app.

Dinala ni alyas Izzy ang biktima sa kanyang bahay kung saan tinambangan at ginapusan ito ng limang lalaki.

Nagbayad ang ama ng biktima ng P1.1 milyon na ransom money sa mga suspek para palayain ang kanyang anak.

Inaksyunan ng mga awtoridad ang sumbong ng biktima kung saan nahuli sa isang follow-up operation ang dalawa sa mga suspek na kinilalang si alyas Erwin, 30 taong gulang, at si alyas Richard, 36, na nakuhanan ng isang .38 caliber revolver na may limang bala.

Tinutugis pa rin ang tatlo sa mga suspek at pormal namang sinampahan ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Kidnapping and Serious Illegal Detention at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Migo Fajatin)

TELETABLOID

Follow Abante News on