WebClick Tracer

Kim Chiu wallpaper ni Paulo Avelino

Nagwala na naman sa kilig ang KimPau fandom matapos masilip ang wallpaper ni Paulo Avelino sa cellphone.

Sa video na ibinahagi ng Viu Philippines nitong June 19, ipinakita ni Paulo sa camera ang cellphone wallpaper.

“The girlfriend energy is too strong!” caption ng Viu.

Pero marami ang nakapansin na hindi ang character ng aktres sa kanilang “What’s Wrong With Secretary Kim” series ang wallpaper ni Paulo kundi mismong sexy photo ni Kim nang dumalo umano ito sa Star Magic Ball.

Narito ang reaksiyon ng mga faney:

“Jusko ka pauloo. Eh si Kim Chiu yan. Hndi yan si Sec kim.. Nakakaloka ka talaga mambasag.”

“Huuuuy viu bat kayo ganyan pwede naman pic ni sec kim pero bat etoooooo kuhang kuha nyo talaga.”

“Hnd nmn c Sec. Kim ang asa pic c kim Chiu yan pa ung soco team asan nah kanino phone yan

“Ung nasa pic po kasi di po yan si Sec Kim. Kim Chiu po yan… kaninong girlfriend energy po ba ang too strong?? Kay Paulo Avelino po db??? Hahaha naku naku talaga nmn himatay malala with ngisay whole day na kami dito!”

“Picture ni Kimmy nong Star Magic Ball 2023! Hindi yan Sec. Kim, si KIM CHIU po yan!!!” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on