WebClick Tracer

‘Kalibogan’: Guanzon may hirit sa supranational travel buddy ni Harry Roque

May hirit si P3PWD party-list nominee Rowena Guanzon kaugnay ng Mr. Supranational Philippines 2016 travel buddy ni dating Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa isang post sa X nitong Miyerkoles, sabi ni Guanzon: “Mga accla, inggit lang kayo kay Harry , ang guapo kasi ng travel assistant ( TA) nya. Hanap kayo ng inyo oi !”.

Ang tinutukoy ni Guanzon ay si Alberto Rodulfo De La Serna na nakasama ni Roque sa biyahe nito sa Europa noong nakaraang administrasyon.

Sa isang post hirit naman ni Guanzon, “Don’t mix your kalibogan with your government work. And dont make your government work pay for your libog. #libogguro”.

Hindi direktang iniugnay ni Guanzon ang post sa isyu subalit masasabing malapit ang hirit na ito sa isyu.

Nag-post din ng challenge si Guanzon sa X.

“Hehehe anong pangalan at apelyedo na kung palitan ang R ng P ay funny ang labas ? May premyo,” sabi nito.

Ilang netizen ang sumagot ng haPPy Poque.

Sa hiwalay na post, sabi naman ni Guanzon: “I’m diabetic, hypertensive, senior citizen with osteo arthritis. I think I also need a travel companion. Hehehe.” (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on