WebClick Tracer

Jinggoy nanggigil sa karahasan ng China sa Ayungin Shoal

Nanggigil sa galit kasabay ng pagkabahala si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa panibagong karahasan ng China Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Estrada na siya ring chairman ng Committee on National Defense, hindi ito katanggap-tanggap na act of aggression, isang direktang paglapastangan sa ating soberanya at tahasang paglabag sa ating karapatan sa ilalim ng international law, partikular ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ayon kay Estrada, naging consistent ang Pilipinas sa pagsusulong ng payapa at diplomatikong resolusyon ng maritime disputes at itinataguyod ang prinsipiyo ng respeto at kooperasyon.

Pero taliwas ang naging tugon dito ng CCG at binalewala ang mga nasabing prinsipiyo kung saan nagsasagawa ng provocative actions na nagpapalala ng tensyon sa West Philippine Sea.

Kaya iginiit ni Estrada na dapat itigil na ng China ang ganitong mga hakbang at igalang ang ating sovereign rights.

Hinihikayat din nito ang international community na magsama-sama para kondenahin ang ganitong asta ng China at suportahan ang Pilipinas sa pagkamit ng hustisya at accountability. (Reymund Tinaza)

TELETABLOID

Follow Abante News on