WebClick Tracer

Imbestigasyon ng Senado sa ‘secret campaign’ ng US sa China Sinovac, nakakasa na

Naghain na si Senadora Imee Marcos ng isang resolusyon para siyasatin “in aid of legislation” ang diumano’y “secret campaign” ng US military para siraan ang Sinovac vaccine ng China.

Inihain ni Marcos, chair ng Senate committee on foreign affairs, ang resolusyon para berepikahin kung talagang may anti-vaccination at misinformation campaign na isinagawa ang US military sa kasagsagan ng Covid-19n pandemic.

“If the alleged campaign is true, there is a need to determine the ramifications of the actions of the US Military,” sabi ni Marcos sa resolusyon.

“..any potential breach of international law by the United States of America, and the possible legal recourse available to the Philippines, considering that such anti-vax and misinformation campaign threatens national security,” dagdag pa niya.

Binanggit ng senadora ang ulat ng Reuters kung ibinunyag na naghasik ang US ng pagdududa ang US sa ‘safety and efficacy’ ng Sinovac vaccine na sinusuplay ng China sa iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas.

Sabi pa ng Reuters, ginagamit ng Pentagon ang Covid-19 ‘misinformation’ sa pamamagita ng X, dating Twitter. May 300 accounts ang nadiskubre at halos lahat ay ginawa sa summer ng 2020 at nakasentro sa slogan na #Chinaangvirus.

“These numerous social media posts sowed mistrust against the Sinovac vaccine and other COVID-19 vaccines. The population’s mistrust of COVID-19 vaccines in the early phases of the vaccination roll-out was made evident by the low vaccination rate,” sabi ni Marcos.

“These anti-vax misinformation campaigns gravely threaten national security issues and public health,” diin pa ni mambabatas. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on