WebClick Tracer

Hustisya, bayad-pinsala hirit sa sinapit ng navy sailors sa kamay ng Chinese Coast Guard

Nanawagan si Albay Rep. Edcel Lagman ng hustisya at bayad-pinsala para sa mga tauhan ng Navy na nasaktan sa agresibong hakbang ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS).

Nanawagan din si Lagman sa gobyerno na kunin ang pangalan ng mga tauhan ng China na nasa likod ng agresibong hakbang.

“The Philippines must demand justice and reparation for the injured Filipino Navy sailors and their damaged vessels as a result of the ruthless assault and aggression of Chinese coastguards in the West Philippine Sea, a maritime zone awarded to the Philippines by the Permanent Court of Arbitration in 2016,” sabi ni Lagman.

Iginiit ni Lagman na ang mga sasakyang pandagat ng gobyerno ay itinuturing na extension ng teritoryo at soberanya ng bansa.

“The criminal acts of the Chinese coastguards also constituted a violation of the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” sabi ni Lagman.

Bukod sa pagkasugat ng mga inatakeng tauhan ng Navy, sinira rin umano ng mga tauhan ng CCG ang kagamitan ng mga ito. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on