WebClick Tracer

Gatchalian sinupalpal ni Mayor Guo

Pinabulaanan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang inilabas na dokumento ni Senador Sherwin Gatchalian na nagsasaad na si Guo Hua Ping at siya ay iisang tao lamang.

Sa ipinadalang statement sa Senado, binigyang-diin ni Guo na wala siyang alam sa mga dokumentong ipinakita ni Gatchalian nagmula sa Board of Investments at Bureau of Immigration.

Sa dokumentong nakuha ni Gatchalian mula sa Board of Investment at Bureau of Immigration, sinabi doon na si Mayor Guo ay maaaring siya ring si Guo Hua Ping, na pumasok sa Pilipinas noong Enero 12, 2003 sa edad na 13 at may birthdate na Agosto 31, 1990.

Sabi sa dokumento, ang nakarehistrong ina ni Guo Hua Ping sa ilalim ng Special Investor’s Resident Visa (SIRV) ay nagngangalang Lin Wen Yi.

Sabi ni Guo, nakahanda siyang sagutin ang alegasyon ng senador. “He who alleges must prove! Kung sino ang nag-aakusa ay siya ang magpatunay,” sabi niya.

Nanindigan ang alkalde na ang kanyang tunay na ina ay si Amelia Leal at ang kanyang totoong pangalan ay Alice Leal Guo batay sa kanyang birth certificate.

Diin pa ng alkalde, mayroon siyang Philippine passport na inissue ng DFA at kumukuha rin ng Chinese visa tuwing magtutungo sa China.

Saad pa ni Guo, mayroon siyang mga negosyo, personal properties, at lupa sa Pilipinas at nagbabayad ng tamang buwis.

Iginiit pa ng alkalde na nanalo siya bilang alkalde dahil siya ay isang lehitimong residente ng Bamban, Tarlac.

Bagamat walang direktang probisyon sa batas na nagsasaad na ang isang tao ay awtomatikong mamamayan ng bansang kanyang tinitirhan, sinabi nitong may mga mekanismo upang maiwasan ang statelessness.

Handa rin umano siyang humarap sa anumang proceedings sa proper forum upang patunayan ang kanyang citizenship. (Dindo Matining)

KW: Gatchalian Mayor Guo

SEO TITLE: Gatchalian sinupalpal ni Mayor Guo

META: Pinabulaanan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang inilabas na dokumento ni Senador Sherwin Gatchalian na nagsasaad na si Guo Hua Ping at siya ay iisang tao lamang.

TELETABLOID

Follow Abante News on