WebClick Tracer

Ellen Adarna sinupalpal netizen na naghahanap kay John Lloyd Cruz sa moving up ng anak

Sinupalpal ng aktres na si Ellen Adarna ang isang netizen na hinahanap ang aktor na si John Lloyd Cruz sa moving up ng anak nila.

Sa Instagram, ibinahagi ni Ellen ang larawan nila ng asawang si Derek Ramsay kasama ang nag-moving up na si Elias.

“The only decent moving up photo 😅” ani Ellen sa caption ng post.

May isang netizen naman ang nagcomment na dapat daw ay naroon si John Lloyd sa larawan dahil ama ito ng anak ni Ellen.

“JL should be present” saad ng netizen.

“AND YOU SHOULD MIND YOUR OWN BUSINESS. just because hes not in the photo dsnt mean he was not there . Wag masyadong close minded manang. Present father naman cya meaning present din cya sa lahat ng milestones ng anak nya,” sagot naman ni Ellen.

Nakisawsaw naman ang ibang netizen sa comment ng netizen.

“pala desisyon man kaayo si ante oy hahaha pasagdi rana, Madam Elena”

“Edi nasupalpal ka? Sherep ba??😅🤣😂”

“na Manang ka tuloy”

“slay! Namanang ka tuloy! Closs your mouth kasi 😂”

“Merese lang sa. Mao na kay feeling entitled man to drop opinions on other people’s lives.”

(VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on