WebClick Tracer

Diego Loyzaga pina-rehab ng ina

Inamin ni Teresa Loyzaga na siya mismo ang naglagay sa rehabilitation facility sa kanyang anak na si Diego dahil sa pagkalulong sa droga.

Ani Teresa, sinisi niya ang sarili sa nangyari sa kanyang anak.

Palagi raw kasi siyang busy noon sa trabaho.

“There was a part of me that died, but I wanted my son to live. So I had to put him to rehab,” kuwento ni Teresa sa panayam ni Boy Abunda.

Nagalit daw sa kanya si Diego dahil sa ginawa niya.

“He wasn’t himself then. We have to understand na ‘yung mga mahal natin sa buhay kapag ka nalulong sa droga, ‘pag kinausap mo sila at binabastos ka nila, hindi sila ‘yon,” saad ng veteran actress.

Sa walong buwan daw na nasa rehab si Diego, binibisita siya ni Teresa nang hindi niya alam.

“Hindi rin niya alam is bumibisita ako lagi sa kanya kahit na bawal kami magkita. That was part of his punishment for him to learn, to appreciate home, family,” wika niya.

“Napapanood ko siya sa isang maliit na monitor. Kung nasaan siya sa loob, ‘pag kumakain siya. Nagpapadala ako ng pagkain,” dagdag pa niya.

Matapos makarekober, naintindihan din daw ni Diego kung bakit siya pina-rehab ni Teresa. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on