WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 20, 2024 Huwebes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Huwebes, June 20, 2024

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makukuha mo na ang reward na pinakainaasam mo, ibahagi ito sa iba para domoble pa. Huwag kang matakot na maubusan ka. Lucky color: Red, lucky number: 10.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Bigyan ang sarili ng time para magpahinga, hindi pwedeng dire-diretso ang pagkayod dahil kawawa rin ang katawan at isipan mo. Lucky color: Green, lucky number: 22.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Lalayo ang loob niya sa iyo kung hindi mo bibigyan ng time ang inyong relasyon. Kung talagang mahalaga siya sa iyo, ipakita mo ito. Lucky color: Pink, lucky number: 4.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag agad sumuko, may mga taong umaasa sa iyo ngayon kaya dapat ituloy mo pa rin ang mga plano mong gawin. Lucky color: Pink, lucky number: 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag pairalin ang init ng ulo, iilan lang ang nakauunawa kung sino ka talaga kaya pahalagahan mo sila. Lucky color: White, lucky number: 16.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Manatiling kalmado kahit merong tao sa paligid mo ang gustong makita na sumasabog ka sa galit. Lucky color: Yellow, lucky number: 7.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Tanggapin mo na hindi lahat ng effort na binigay mo sa kanya ay maibabalik sa iyo, matutong huminto kung alam mong wala talagang pag-asa sa kanya. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magpasalamat sa matatanggap mong regalo kahit gaano man ito kaliit o kalaki. Lucky color: Orange, lucky number: 4.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Darating ang taong matagal mo nang hinihintay sa oras na hindi mo inaasahan kaya dapat lagi kang presentable. Lucky color: Grey, lucky number: 28.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag munang maging gastador, kung maaari lahat ng extra money mo sa ngayon ay itabi muna o palaguin pa. Lucky color: Brown, lucky number: 2.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Makakatanggap ka ng suporta mula sa isang taong may lihim na pagtingin sa iyo. Hayaan mo siyang dumiskarte kung paano siya aamin. Lucky color: Green, lucky number: 5.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Malapit nang dumating ang hinihintay mong sagot. Anuman ang resulta, matuto kang magpasalamat. Lucky color: White, lucky number: 30.

TELETABLOID

Follow Abante News on