WebClick Tracer

2 lalaking may bitbit na baril, granada arestado

Arestado ang dalawang lalaki matapos makitaan na may bitbit na baril at granada sa ‘Oplan Sita’ na isinagawa ng mga miyembro ng Pasay police Baclaran substation noong Lunes ng gabi.

Sinabi ng Southern Police District (SPD) na naaresto ang mga suspek sa Brgy. 148, Zone 26, Pasay City.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang mga miyembro ng Baclaran substation sa lugar nang mamataan ang mga suspek na riding in tandem na walang helmet.

Ang mga suspek ay pinigilan ng mga pulis na makatakas at nang maberipika ay nakuha ang isang improvised barrel pistol na may isang bala habang nakuha rin ang MK2 hand grenade na nakalagay sa loob ng isang itim na sling bag.

Inilipat na ang mga naarestong suspek sa himpilan ng pulisya.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on