WebClick Tracer

Rose ng BLACKPINK pumirma na sa The Black Label para mag-solo

Pumirma na sa The Black Label ang K-pop idol na si Rose ng BLACKPINK para sa kanyang mga solo activities.

Iniulat ang balita ng mga Korean news outlet nitong Martes na nakapirma na si Rose ng kontrata sa pamamahala ng producer at co-founder ng kompanya na si Teddy

“Currently, Rosé is preparing to meet global fans with new music, and she will work with global record labels around the world in the future.” saad sa statement ng The Black Label.

Ang Black Label ay isang kasamang kumpanya ng YG Entertainment na itinatag noong 2015 ng producer ng YG na sina Teddy at Kush.

Ang mga kapwa miyembro ng BLACKPINK na sina Lisa, Jennie, at Jisoo ay naglunsad ng kanilang sariling mga label para sa kanilang mga solo activities.

Sa kanilang mga activity kasama ni Lisa si Lloud; si Jennie naman ang Odd Atelier; at kasama naman ni Jisoo si Blissoo.

Matatandaan na noong Disyembre 2023, nag-renew ang mga miyembro ng BLACKPINK ng kanilang mga kontrata para sa mga aktibidad ng grupo kasama ang YG Entertainment.

Sa isang follow-up na anunsyo, sinabi ng ahensya na sina Jennie, Lisa, Jisoo, at Rosé ay hindi magre-renew ng kanilang mga kontrata para sa kanilang mga indibidwal na aktibidad. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on