WebClick Tracer

Pagpaslang sa manlalayag na Pilipino kinondena

Kinondena ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino ang pagkamatay ng isang Pilipinong manlalayag sa pag-atake ng rebeldeng Houthi sa MV Tutor habang naglalayag sa Red Sea.

Nanawagan din si Magsino sa mga ahensya ng gobyerno na gumagawa ng mga hakbang upang agad na maiuwi ang labi ng napaslang na Pilipino at mabigyan ito ng angkop na libing.

“Lubos po ang aking pakikidalamhati sa mga naulila ng ating seafarer. Nakakailang atake na ang Houthi rebels sa mga cargo vessels na halos laging may lulan na mga Pinoy. Nakakalungkot na laging nadadamay ang mga kababayan natin, na nais lamang magtrabaho para sa pamilya, sa mga sigalot at acts of terrorism,” sabi ni Magsino.

Kinumpirma ng White House na isang Pilipino ang nasawi sa pag-atake ng Houthi sa MV Tutor, isang Liberian-flagged Greek-owned bulk cargo carrier.

Nangako si Magsino na patuloy na isusulong ang mga panukala upang maprotektahan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFW. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on