WebClick Tracer

Ogie Diaz naghain counter affidavit sa cyber libel case na inihain ni Bea Alonzo

Naghain ang talent manager na si Ogie Diaz ng counter affidavit sa reklamong cyber libel na isinampa laban sa kaniya ng aktres na si Bea Alonzo.

Sa isang press statement, sinabi ng abogado ni Ogie na si Regie Tongol na naghain naman ng counter-charge si Ogie ng perjury na may damages kay Bea sa Regional Trial Court sa Quezon City nitong Martes.

“In our seventy-page (70) Counter-Affidavit, we called out the Complainant by not clearly stating in her sixteen-page (16) Complaint-Affidavit the specific individuals who uttered the specific defamatory statements making it appear it was all Mr. Diaz who made them,” ani Tongol.

“They even failed to show clear and convincing proof of ‘actual malice’ whether in the form of ‘reckless disregard for the truth’ or ill-motive which is a legal requirement and standard if the Complainant is a public figure,” dagdag pa ng abogado ni Ogie.

Matatandaan na noong Mayo ng sampahan ni Bea ng tatlong magkakahiwalay na reklamong cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office sina Ogie at Cristy Fermin.

Dawit din sa reklamo ang mga co-host ng mga ito sa kanilang mga online programs. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on