WebClick Tracer

MMDA nagbabala vs text message scam

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista kaugnay sa mga text message na nagpapayo sa kanila na magbayad ng multa gamit ang link.

Ayon sa MMDA, isa itong uri ng scam.

Pinayuhan ng MMDA ang publiko na maging mapagmatyag at huwag mag-click sa anumang link.

Pinayuhan din nito ang mga motorista na huwag magbigay ng personal at sensitibong impormasyon.

Maaari ring direktang makipag-ugnayan ang mga motorista sa MMDA para i-verify ang anuman sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa hotline nito na 136.

Puwedeng magpadala ang mga motorista ng mga mensahe sa pamamagitan ng email sa digitalmedia@mmda.gov.ph, o sa pamamagitan ng social media accounts ng ahensya sa Facebook (@MMDAPH) at X (@MMDA), o tingnan ang opisyal na website nito sa mmda.gov.ph. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on