WebClick Tracer

Mga naapektuhan ng pagsabog ng Kanlaon nangangailangan ng pagkain, mask

Umaapela ang Caritas Philippines para sa mga donasyon tulad ng pagkain at face mask para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa pagsabog ng Kanlaon Volcano sa Negros.

Sinabi ni Caritas Philippines executive director Fr. Carmelo Caluag na ilang pamilya ang nasa evacuation centers pa rin dahil sa ashfall, sulfur dioxide emissions gayundin ang daloy ng lahar mula Kanlaon.

Apat na diyosesis din ng Simbahang Katoliko na matatagpuan sa Bacolod, Dumaguete, Kabankalan at San Carlos ang naapektuhan ng aktibidad ng bulkan.

Ayon sa mga ulat, may kabuuang 15,511 na pamilya mula sa 23 na barangay sa Negros ang sumilong sa mga evacuation center matapos sumabog ang Kanlaon.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on