WebClick Tracer

Mga motoristang walang helmet arestado sa baril, granada

Arestado ang dalawang magkaangkas na motorista sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Illegal Possession of Explosives kagabi, Hunyo 17 sa Barangay 148 sa Pasay City.

Bilang bahagi ng Oplan Sita, huhulihin lamang dapat ng Pasay City Police ang mga suspect dahil nakita itong walang helmet.

Sinubukan ng mga suspect tumakas ngunit agaran din itong nahuli ng mga awtoridad.

Matapos kapkapan ang mga suspect, nakitaan ito ng isang improvised firearm na may kasamang bala at isang MK2 fragmentation grenade.

Agarang dinala ang mga suspect sa Pasay City Police Station para sa dokumentasyon. (Migo Fajatin)

TELETABLOID

Follow Abante News on