WebClick Tracer

Mga gusaling pag-aari ng Quezon City, planong gawing solar-powered

Pinaplano ng Quezon City government na ganap na gawing solar-powered ang mga gusaling pag-aari ng lungsod.

Daan-daang solar panel ang na-install kamakailan sa tatlong pangunahing gusali ng city hall, na may nasa 1,000 na panel na nakatakda para i-install sa ibang mga gusali, ospital at paaralan na pag-aari ng lungsod.

Sinabi ng engineer ng lungsod na ang mga solar-powered na gusali ay makakatipid ng hanggang P1.5 milyon sa mga gastos sa kuryente taon-taon.

May 1,000 na solar panel naman ang ilalagay ngayong taon sa mga ospital at paaralang pag-aari ng lungsod kabilang na ang Rosario Maclang Bautista General Hospital, Novaliches District Hospital, Quezon City General Hospital, Culiat Elementary School, Culiat High School, Judge Feliciano Belmonte Sr. HS, New Era HS at Tandang Sora ES.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on