WebClick Tracer

Lalaki inaresto dahil sa panghahalay sa anak na babae

Matapos magtago ng pitong taon, isang lalaki ang inaresto sa South Cotabato dahil sa ilang beses umano na panghahalay sa kaniyang anak na babae.

Ginawa umano ng suspek ang krimen noong 2017 sa Iloilo.

Sumuko ang suspek sa isang team mula sa Manila Police District na nakatunton sa kaniya sa Mindanao.

Ang 47 taong gulang na suspek ay nasa Most Wanted List ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ng MPD na nakatanggap ito ng impormasyon sa kinaroroonan ng lalaki at mabilis na gumawa ng arresting team. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on