WebClick Tracer

Heart Evangelista agaw-pansin, nagsuot ng banig

Agaw pansin ang unang araw ng actress-model na si Heart Evangelista sa pagbabalik niya sa Paris Fashion Week.

Sa Instagram story ni Heart, makikita ang kakaibang suot niyang banig-inspired dress na gawa ng Filipino designer na si Ivara Seron.

Ang naturang dress ni Heart ay isang nude tube dress na binurda ala-banig na may itim na floral na burda.

Matatandaan na sa unang bahagi ng buwang ito, nasa ika-apat sa Top 20 global celebrity sa fashion at sportswear si Heart sa pinakabagong ulat ng Launchmetrics Insights sa fashion marketing.

Noong Marso naman, pumangatlo rin siya sa mga celebrity na may mataas na halaga ng media sa Milan Fashion Week. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on