WebClick Tracer

Garin nanawagan sa DOH: Bumuo ng grupo ng eksperto para labanan fake health news

Nanawagan si dating Health Secretary at incumbent House Deputy Majority Leader Janette Garin sa Department of Health (DOH) na bumuo ng isang grupo ng eksperto na magsasalita at magbabahagi sa publiko ng tamang impormasyon kaugnay ng kalusugan.

Ayon kay Garin, ang DOH ay isang mahalagang institusyon na dapat ay maaasahan ng publiko na makuhanan ng tamang impormasyon.

“The health department must have a team of doctors and talking heads who can immediately liaise with with real specialty societies and each specialty society can assign a spokesperson,” sabi ni Garin sa isang panayam sa telebisyon.

“It has been documented several times that when you demonize a certain vaccine it creates mistrust in all vaccination and public health programs,” dagdag pa ng kinatawan mula sa Iloilo.

Binanggit din ni Garin ang pahayag ng Doctors for Truth, na binubuo ng mga medical expert, academicians, scientists at mga dating kalihim ng DOH, na huwag pabayaan ang Public Attorney’s Office na magpakalat ng anti-vaccine advocacy.

Ang pagkalat umano ng maling impormasyon ang isa sa dahilan kung bakit nawawala ang tiwala ng publiko sa mga health program ng gobyerno, ayon sa lady solon.

“The impact of fake news and anti-vaccine campaign transcend to even those who are supposed to be protected by vaccines,” dagdag pa ni Garin. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on