WebClick Tracer

Davao Oriental inuga ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ang probinsya ng Davao Oriental ng magnitude 4.1 na lindol nitong Martes ng ng tanghali, Hunyo 18.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol dakong 12:38 ng tanghali.

Tectonic ang pinagmulan ng naturang lindol.

Nakita ang epicenter ng lindol 18 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Tarragona, Davao Oriental na may lalim na 33 kilometro.

Sinabi ng Phivolcs na wala namang inaasahang posibleng aftershocks ng lindol. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on