WebClick Tracer

Dahil sinesante: Janitor sinunog paaralan na dating pinagtatrabahuhan

Sinunog ng isang sinibak na janitor ang isang paaralan sa San Carlos City, Negros Occidental.

Ayon sa ulat, sinunog ng janitor ang bodega sa Daisy’s ABC School bilang paghihiganti dahil tinanggalan siya ng trabaho matapos umano siyang mahuling naninigarilyo sa campus.

Dahil sa insidente, mabilis na nilamon ng apoy ang natitirang bahagi ng gusali ng paaralan at umabot sa ancestral house ni San Carlos City Mayor Renato Gustilo sa Ylagan Street. Wala naman ang alkalde nang sumiklab ang sunog.

Tinupok din ng apoy ang makasaysayang gusali ng negosyo sa Locsin Street na pag-aari ng lolo ni Mayor Gustilo.

Samantala, sumuko naman ang janitor sa mga awtoridad matapos umanong makonsensya.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Carlos City Police Station at nahaharap sa kasong arson. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on