WebClick Tracer

Binaon Mavericks: Celtics nasungkit korona

Matagumpay na nasungkit ng Boston Celtics ang kampeonato sa kanilang teritoryo.

Sa Game 5 ng NBA Finals, tinapos na ng Celtics ang finals series laban sa Dallas Mavericks, 106-88.

Hindi nakapalag ang Mavericks at sa loob ng apat na quarter ay kontrolado ng Celtics ang laro.

Nanguna sa panalo si Jayson Tatum na mayroong 31 puntos. Sumunod naman si Jaylen Brown na may 21 puntos at Jrue Holiday na may 15 puntos.

Ito na ang ika-18 na kampeonato ng Celtics sa NBA. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on