WebClick Tracer

Barangay employee binaril sa ulo habang kumakain sa karinderya

Todas ang isang empleyado ng Barangay Mambaling, Cebu City matapos na ito ay barilin sa ulo ng hindi nakilalang salarin sa Barangay Duljo Fatima nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Edward Abayan, 44-anyos, Admin Officer 3 ng barangay hall.

Ayon sa report ng Cebu City Police Office, dakong ala-una ng hapon, kumakain ang biktima sa labas ng isang karinderya sa Spolarium Street nang lapitan ito ng gunman na nakasuot ng long sleeve, sumbrero at face mask at saka tinutukan ng baril sa ulo at pinutukan.

Tinamaan ang biktima sa kanang sentido na agad nitong ikinasawi.

Ayon sa mga nakasaksi, naglakad lamang papalayo ang salarin matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari at inaalam ang motibo sa krimen. (Ylou Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on