WebClick Tracer

Alert Level 2 nakataas pa rin sa Kanlaon

Bagama’t tahimik sa nakalipas na 24 oras, nananatili pa ring nakataas sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.

Kumpara rin sa halos 2,000 tonelada ng sulfur dioxide o asupreng ibinuga nito noong linggo, mas kumapal ang volume nito kahapon, Hunyo 17 na nasa mahigit 3,500 tonelada.

Tuloy-tuloy naman ang pag-aasikaso ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para bigyang tulong ang mga apektadong residente.

As of 6PM nitong Lunes, Hunyo 17 umabot na sa halos P26 milyon tulong ang naipamahagi ng ahensya sa 23 barangay sa Regions 6 at 7. (Andrea Salve)

TELETABLOID

Follow Abante News on