WebClick Tracer

84 pamilya sa Iloilo City nawalan ng tirahan

84 na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang sunog sa dalawang barangay sa Iloilo City noong Lunes.

Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Iloilo City na walang nasawi ngunit anim na residente ang nasugatan habang sinusubukan nilang makatakas sa sunog.

Ayon sa Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Office, 39 na bahay ang totally damaged at 12 iba pa ang partially damaged sa sunog sa Brgy. Tanza Bonifacio at Brgy. Rizal Estanzuela.

Sinabi ng Iloilo City DRRMO na ang mga lumikas na residente ay nananatili sa Rizal Elementary School at Rizal Estanzuela Hall.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on