WebClick Tracer

2 binatilyo nalunod sa ilog sa Bohol

Dalawang binatilyo ang nalunod habang lumalangoy sa ilog sa bayan ng Batuan, Bohol noong Sabado ng hapon.

Sinabi ng pulisya na ang dalawang biktima na may edad 17 at 15 ay kasama ang kanilang mga kaibigan na lumalangoy sa Makapiko River nang mangyari ang insidente.

Ang 15 taong gulang na lalaki ay natangay ng malakas na agos at naipit sa pagitan ng isang bato.

Sinubukan naman ng 17 taong gulang na lalaki na iligtas ang kaniyang kasama ngunit nadala rin siya ng malakas na agos.

Dinala pa ang mga biktima sa isang ospital kung saan idineklara silang patay.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on