WebClick Tracer

Umamin na! Alodia Gosiengfiao buntis

Kinumpirma na ni gaming video creator Alodia Gosiengfiao ang kanyang pagbubuntis.

Magugunitang iniintrigang buntis si Alodia dahil sa flinex niyang litrato sa social media.

Sa Instagram, nag-share si Alodia ng photo ng kamay na may dalang dragon egg.

Samantala, sa post niya ngayong June 16, masayang ibinahagi ni Alodia ang kanyang sonogram kasama ang asawang si Christopher Quimbo.

“Player 3 has joined the party,” caption niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on