WebClick Tracer

Romualdez: Eid al-Adha paalala ng pagmamalasakit sa kapwa

Ang pagdiriwang umano ng Eid al-Adha ay isang paalala ng pagpapahalaga sa iba at hindi pagiging makasarili.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kasabay ng kanyang pagbati sa mga Pilipinong Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Eid Al-Adha, isang sagradong okasyon at panahon ng pananalangin, debosyon at pagkakaisa sa komunidad.

“This occasion reminds us of the values of compassion, selflessness and generosity, of being one in prayer and sacrifice to show unwavering faith. It is a time to strengthen the bonds of kinship and friendship, and to reach out to those in need. Let us embrace these values in our daily lives and work towards building a more inclusive and caring society,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang kultura at pananampalataya na dapat na igalang.

“Ang Eid Al-Adha ay isang paalala ng ating mayamang mga tradisyon na ating ipinagmamalaki at lubos na ipinagdiriwang,” sabi pa nito.

Hamon ni Romualdez, gamitin ang okasyon upang alalahain din ang kinakaharap na hamon ng bansa.

“Together, let us strive for a future where peace and prosperity are not just aspirations, but realities for all Filipinos,” sabi pa ng lider ng Kamara.

“It is a time to strengthen the bonds of kinship and friendship, and to reach out to those in need. Let us embrace these values in our daily lives and work towards building a more inclusive and caring society,” dagdag pa ni Romualdez.

Umaasa si Speaker Romualdez na ang Eid ay magdadala ng espiritwal na kasaganaan, maayos na kalusugan, kasiyahan at tagumpay.

“I join you in your prayers for a peaceful and prosperous future for all Filipinos,” sabi pa ng lider ng Kamara. “Eid Mubarak, everyone! May the blessings of Eid Al-Adha fill your hearts with peace and joy, and may your faith be strengthened as we continue to build a better and more united nation!” (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on